27 November 2011

Walang Titulo

Nandito na naman ako nagsusumbong sa blogsite ko kung ano-ano ang mga nangyaring magaganda at pangit sa linggo ko. Kung nakakapagsalita lang ang blogsite ko matagal na akong sinigawan dahil sa mga mali-maling englis ko, sa mga paulit-ulit na reklamo ko. Pero alam kong masaya siya dahil siya lang pinagkakatiwalaan ko sa mga nangyayari at saloobin ko. At wala siyang magagawa kasi ginawa ko lang siya. Buhay pa rin niya ang buhay ko.

May mga nakakatuwa, may mga normal lang, meron ring sobrang nakaka-high blood sa mga pangyayaring nangyari sa linggo ko.


P.E. class, gustong-gustong-gusto ko talagang maglaro ng Word Factory. Kaya lang yung mga kagrupo ko gustong maglaro ng Slides and Ladders. Ayaw ko namang mataob ang mga tao sa Psycho ward kaya pinilit ko nalang ang sarili kong itapon at pagdasalan ang dice para lang wag mapunta sa slide. Masarap kapag natatama ka sa may ladder kasi paakyat ang rota mo niyan, pero pag slide naku hindi masaya. Naisip ko tuloy na hindi nga 'to pambata kasi sa playground namin nung grade school ako ang slide ang pinakamasaya. Pero sa larong ito walang gana, kaya nga siguro talo ako. Kulelat. Di bali na, umabot naman ako sa Word Factory game ng isang grupo. Dahil nga sa gustong-gustong-gusto ko maglaro, naki-butt in nalang ako. :p Masaya ako kasi ako ang No. 1! :)))))))) At natapos ko rin ang 4 na practicals. Yeebaaa na! :p 

Rizal Class, surprise recitation tungkol sa assignment namin. Naku hindi ko maalala yung Ancestral Diagram ni Doc Rizal. Buti na nga lang eh sumigaw ako ng "Ma'am!" hindi para mag-volunteer kundi dahil sa nagtaka ako kung bakit mali ang sagot ng kaklase ko sa tanong na "What did Rizal inherit from his Mother?", ang sagot ng kaklase ko ay "Literacy, Spirituality". Doon na pumasok ang pasigaw kung "Ma'am". Tumayo ako hindi dahil sa sigurado ako sa sagot ko kundi dahil tinuro ni Rizal na panindigan ang iyong pinaniniwalaan. Nung tumayo ako biglang natumba ang upuan ako, parang siga lang, naku kailangan ko talagang tamaan 'to kundi magmumuka akong tanga. Hindi ko binura ang sagot ng kaklase ko dinugtong ko lang ang aking dalawang sagot. Tama yung una, mali yung pangalawa. Masaya kasi nakatama ako at sa hindi ko pagbura sa sagot ni Joey eh pahiwatig na 'yon nang paninindigan, AT hindi ako babagsak sa Ancestral Diagram ni Doc. :p Tumawag uli siya ng iba, at ang sagot ng isa kong kaklase ay "Passion for Arts", mali na naman, kaya titser ko na ang sumagot, sinulat niya ang "Artistic Heads", pumutok na ulo ko. Pambihira kahit mangmang na englisera ay alam na pareho lang ang pinahihiwatig ng dalawa. Badtrip na ako, nangyari na kasi ito nung SocioAnthro kung saan titser ko rin siya, ipinapadefine ang isang word, ginamit ko nalang ang stock knowledge ko dahil hindi ko kabisado ang eksaktong sagot, naku mali daw. Tiningnan ko yung sagot sa hand-outs na binigay niya, pareho lang ang sinasabi, pinuntahan ko siya, mali daw. Wag daw kaming magrereklamo kasi mga cheaters kami. Totoo nga pala ang kasabihang, "the Truth Hurts".

Doon naman tayo sa nakakatuwa, naging maganda ang mood ng mga titser ko sa Biochemistry at CPH. Maganda naman resulta ko sa quizzes. Kahit na pinagalitan ako ng Biochem titser ko dahil ginawa kung Solid ang Ammonium Hydroxide sa problem solving. At maganda naman mga sagot ko sa CPH kahit na hindi ko alam kung anong taon tumaas ang mortality rate dahil sa mga epidemic diseases. Naging fulfilling rin ang Community Health Service namin. Ganun nga pala talaga ang feeling ng nakakatulong ka sa ibang tao kahit na kinuha mo lang ang Blood pressure nila. Para kang manghuhula, sa interpretasyon mo sa mga palad nila nakasalalay ang gagawin nila sa kani-kanilang buhay pankalusugan. Naranasan ko rin ang pakiramdan na hindi sagutin ang mga tanong mo "For security reasons". Ang hirap pala ng mga ginagawa ng mga journalists at mga interviewer, kailangan mo ng mahabang pasensiya kasing haba dapat sa nilakad namin para lang makapagtanong sa kanila. Nakakuha naman kami ng sagot sa isang Community, buti na lang hindi sayang ang pagkakaibigan ng putik at sapatos ko.

Sabi nga nila, sa hinaba-haba man ng prosisyon sa simbahan parin ang bagsak. Hindi lang pala ito para sa magka-ibigan, pwede rin pala itong ihalintulad sa normal na buhay ng isang estudyante. Kahit na napakahaba ng linggo, sa Kanya parin tayo nagpapasalamat at humuhugot ng panlaban sa simula ng isa pang madugong linggo.











Ito ay isang Bob Ong-inspired Blog. Pasensya kung mali-mali ang tagalog ko, at pauli-ulit ang mga tagalog words na ginagamit ko. :)

2 comments:

JustJ said...

Naiisip kitang nagsasalita habang binabasa ko ang mga sinulat mo. Maayos naman ang pag-gamit ng wika at nakakatuwa ang mga kuwento. Ipagpatuloy ang pagsulat sa wikang Filipino.


Love, madam Cayobit

:D

Gloiza said...

Magaling magaling magaling! Very inspiring!

Love,
Madam Cebu

Hahahaha :)))

Post a Comment

 
;