Buong araw kaming gagawa ng experiments, walang lecture (YES!), laboratory buong hapon lang (Yeeba!).
Sa pitong araw sa isang linggo, walang tataob sa araw na ito. Napakaraming nangyari. Iba iba ang naramdaman. Iisa lang ang kinahangtungan.
Mga Trahedya sa Chemistry Laboratory:
1. Nakalimutan naming lagyan ng Nitric acid and mga test tubes para sa Mucic Acid Test. At hindi lang yun, natapon ko ang test tube na kinalalagyan ng unknown namin, pataaaaaay. Pero buti na lang eh pwede pang ulitin at nakakuha pa kami ng unknown sa teacher. :))
2. Simula pa lang ng experiment sinabihan na kami kung anu-ano ang mga tamang pag-gamit ng mga kagamitan sa laboratory, kung ano ang mga bawal at dapat. Pero sa kalagitnaan ng experiments, nakita niya na mali ang hawak ng kaklase ko sa dropper. Parang may sumabog na bomba sa laboratoryo, siguro pahiwatig na ito ng maswerteng laboratory experiments sa susunod (sanaa), pwera ngayon. Grabee, sumabog talaga si Ma'am, galit na galit siya ... Ma'am, APIR na lang tayo. (Aksyon: Paputok Injury Reduction)
2. Nakabasag ng 4 test tubes ang kaklase ko. At ang mabigat pa dun ay magpapa-check na sana sila, sumimplang pa. Buti na lang, eh pwede pang umulit. :))) (Lusot na naman. ;p)
3. Magsisimula na sana kaming tingnan sa microscope ang mga crystals na na-form. Yung iba, inii-stir pa ng mga ka-grupo ko. Ito na ... inutusan ko ang isa kong kagrupo na punasan yung mga stirring rod, timing na walang tubig nung hapon na yun so kailangan pa naming pumunta sa likod ng C.R. ng lalaki. Pagbalik ng kaklase ko, binigay ko na sa kanya ang mga ibang test tubes para simulan na niyang i-stir kasi nga huli na kami. Pinuntahan ko muna ang isa kong kaklase na nagchecheck na ng crystals sa microscope. Kukunin na sana namin yung ibang test tubes, nakuu nawawala yung inutusan kong kaklase, sabi nila lumabas raw, hinintay ko lang. Pagdating niya, may dala-dala siyang test tube rack na naglalaman ng mga test tubes na nakataob, kumikintab sa linis. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Basta nandoon yung feeling na, pinaghirapan niyong gawin, hinintay niyo na may lumabas, tapos hugas lang pala ang katumbas. Isang test tube na lang na may crystals ang natira sa amin, at may pangalan siya, Nemo. Hundreds died, only one (Nemo) survived.
At hindi na pala pwedeng umulit, mahal kasi ang phenylhydrazine. At kailangan naming ng kalahating araw para gawin ulit and dalawang experimento. Ang saklap!
Pero sa resulta ng ibang grupo, para rin silang nawalan ng mga test tubes, walang lumabas na crystals. Ang rami nung amin, nawala nga lang. Kaya naman isa lang ang kinahangtungan namin, www. scribd.com. Nagsearch na lang kami kung ano ang mga itsura ng crystals.
chiki-bow-bow



0 comments:
Post a Comment