15 August 2012

Ang Love sa Flow Free

Dahil nga sa feeling ko ay ang laki ng utang ko sa'yo aking kaibigan, hayaan mo na akong bumawi sa pamamagitan ng pagsulat ng panibagong blog.

Bago pumasok ang Ate ko sa hospital bilang isang nurse ng kung sino-sino, naisipan niyang umuwi muna dito dahil feeling niya ay matatagalan pa ang susunod niyang pag-uwi. Matagal-tagal din ang bakasyon niya kaya naman kailangang magtiis ang mga tenga ko sa karirinig ng pangalan ko, puro kasi "Giii" ng "Giii", hindi ata alam kasunod ng letrang G. Haaays, hayaan na, swesweldo na rin yan, makakagatong na rin. hahaha!

Kung akala mo ay ang Ate ko ang subject ng blog na 'to, pwede ka ng tumigil sa pagbabasa. Pero kung gusto mong malaman kung ano, just putyerhandsup and keep scrolling! Hindi siya ang main subject, stimulant lang siya. Importante din, pero "stimulant lang" lang.


Nito kasing mga nakalipas na araw ay wala siyang masyadong ginagawa, kaya nagdownload siya ng FLOW FREE sa iPod ni Auntie. Halos gabi gabi niya itong nilalaro. Teka nga muna, alam mo ba yong Flow Free? Yun yung application na may iba't-ibang kulay na dots, tapos kailangan mong iconnect yung blue na dot sa isa pang blue na dot. Pairing of colors lang, hindi dapat nag-ooverlap yung kulay. May lima o anim na color ata na dapat mong iconnect. Kun mali ang pagconnect, kailangan mong ulitin. Tapos dapat mapuno yung squares. Naglelevel up ka, simula sa 5x5 hangang sa 9x9 squares.

Free Flow: sample litrato upang mas maunawan


Habang naglalaro siya, sabi ko "ay parang love, may nakalaang way para mapunta si dot Green A kay dot Green B." At diyan ko naisipang isulat ang random thought na 'to. Ang larong Flow ay walang pinagkaiba sa Love, what a word pero sige na nga lang. May nakalaang tao para sa atin. Pero wag na wag kang magmamadali, kasi paulit-ulit ka niyan. Gusto mo ba 'yon? Paulit ulit hangang sa Check na lang yung score mo hindi Star? Ang pangit diba. Dapat pinag-iisipan, hindi padalos-dalos. Masasabi nating ang hirap naman nito, pero kung may tiyaga at kung gagamitin lang ang isip at hindi ang pusok siguradong sayo ang STAR!

Lalo na sa mga kabataan ngayon, sumusunod sa alon ng teknolohiya at pagkain, instant! Lahat gusto sa pangmadalian na paraan. Sino nga ba ang walang gusto diba? Pero okay ba ang kinalabasan? Kontento ka ba? O nasira lang buhay mo? O naubos lang pera mo? O natapakan lang dignidad mo? Lahat pinag-iisipan, kung tamad mag-isip, MAGDUSA! hahaha. Just Kidding, kung tamad mag-isip, humingi ng payo. Kung matigas talaga ulo mo, subukan mong gumamit ng pressure cooker baka sakaling lumambot at madaling ma-absorb ang kamatis, bawang, at luya, at sa paligid-ligid meron pang lingaaa! Yun yun eh, walang bagay ang hindi nakakamit sa tamang paraan at pag-iisip. Baka may linga ka pa, extra, diba? Maghintay, darating din 'yan, tiwala lang.

Naranasan ko na mismo yan. Humingi ako kay Lord minsan ng Love, sabi ko "Lord please, ibigay mo na, ang aking christmas bonus!" Ayy, ang swerte ng lola mo, may dumating! "Lord thank you! Ang bilis naman. :)" (*Be careful on what you wish for, because you might just get it*) Pero nasaan siya ngayon? Nagtagal ba? Naging happy ever after ba? Hindiii. Walaaa. Easy come, easy go. Kaya ikaw, kung sino kamang nagbabasa pa at sinikmura ang kakornihan at kapangitan ng blog na 'to, wag na wag kang magmamadaling umibig, may kanya-kanyang panahon lang yan. Tayo naman kasi minsan, magkapareho lang ng kulay ng damit, magkita lang na di mo inaasahan, sasabihin agad na pinagtagpo ng panahon. Hindi ba kasi pwedeng nagkataon lang? (Super buntong-hininga here) It's all about timing, right time, perfect outcome. Huwag maging makasarili sa mga desisyon mo, hindi lang ikaw ang mahihirapan. Hindi lang naman siya ang pwedeng magmahal sa'yo diba? Love comes in many forms, hindi lang sa fake heart-shape! Syota lang ba ang may karapatang magdala sa'yo sa sinehan, ang pwedeng yumakap at humalik sa'yo? Asawa lang ba ang  pwedeng magtreat sa'yo sa restaurant, ang magbigay ng lambing? Siya lang ba ang pwedeng magbigay ng bulaklak at tsokolate? Hindi naman diba? Hinayhinay lang. Andiyan lang siya, panahon ang dapat hinihintay. Kung maunahan ... next trip!



Bow! Oh, bawi na ako sa dalawang buwan ko na hindi pagpaparamdam huh. :p

Gica ♥

1 comments:

Gina Gao said...

This is a really nice post. I enjoyed reading this.

www.modernworld4.blogspot.com

Post a Comment

 
;